Cebuano

Hiligaynon

Tagalog

English

More
 
     
  Ang mabuting balita sa ebanghilyong ito:  
 

"16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay nya ang kaisa-isang Anak, upang ang sino mang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. "

(Bagong tipan, Juan kabanata 3 taludtod 16) © WBT)

 
     
 
 

Pinadala ng Diyos ang kanyang Anak para mamatay sa krus. Si Hesu-Kristo ay naging isang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Kapag matanggap na natin ang kabanalan ni Hesus sa ating mga puso tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa bibliya sa aklat ni Genesis, kabanata 1, ito ay nagsasabi kung paano nilalang ng Diyos ang langit at lupa. Ang Diyos din ang lumalang sa mga tao (Adan at Eva) sa layunin ng isang relasyon sa pagitan ng tao at Diyos. Si Adan at Eva ay nagkaroon ng napakalapit na relasyon sa Diyos hanggang sa sila ay sumuway sa Kanya sa harden ng Eden, kung saan sila ay nakatira. Sa harden na ito ay may iba’t ibang uri ng kahoy pero sa Genesis kabanata 2 taludtod 17, ang Diyos ay nagbigay ng babala sa kanila na huwag kumain ng bunga ng kahoy ng kaalaman at kasamaan. Ngunit si Adan at si Eba ay sumuway sa Diyos at kumain ng prutas na iyun. Sa pamamagitan ng kasalanan ng pag suway, ang likas na katangian nina Adan at Eba ay naging makasalanan at naging marumi. Maging ang lahat ng sangkatauhan ay minana ang makasalanang kaugalian o katangian. “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sino mang nakaabot sa kahuwalhatian ng Diyos”. Aklat ng (Taga-Roma kabanata 3, taludtod 23.) Dahil ang ating Diyos sa pamamagitan ng kangyang dakilang pag-ibig at awa ay nagbuo ng isang plano para manumbalik ang sangkatauhan sa kanilang nawalang kabanalan at mabawi ang nasirang relasyon sa Kanya. Ang banal na palitan ay nangyari sa krus, kung saan si Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan. Ang ibig sabihin nito, ang lahat ng sumampalataya at tumanggap sa kanya ay makakatanggap ng kabanalan ng Diyos sa kanilang mga puso, kung ito ay hingin sa kanya ng buong puso.

Para bigyan lunas ang nasirang relasyon sa pagitan ng Diyos at tao, ang ating Diyos ay humanap ng paraan upang malutas ang problima ng kasalanan. Ang Diyos ay banal at matuwid at habang mahal Niya ang mga makasalanan, kailangan din nyang hatulan ang mga nagkasala. Ginawa Niya ito para ipadala si Hesus upang mamatay sa krus para tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan. Napakagandang balita ito, na gumawa Siya ng paraan para sa sangkatauhan na makamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya ni Hesu-Kristo na anak Niya. Ang regalo ng biyaya ng kaligtasan ay isang libreng regalo ng Diyos. Hindi dahil tayo ay karapat-dapat na tumanggap nito pero ito ay dahil ang Diyos ang nagbigay ng kanyang kaisa-isang anak para tumubos sa ating mga kasalanan.

Kahanga-hangang pag-ibig ni Hesus na anak ng Diyos, na namatay para sa ating mga kasalanan. Noong namatay si Hesus sa krus, tiniis Niya sa Kanyang sarili ang bawat nagawang kasalanan ng mga tao at sa mga gagawin pang kasalanan ng mga tao sa hinaharap. Samakatuwid, ang bawat tao na naniniwala kay Hesus ay humiwalay sa kasamaan para hindi isusumpa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ngayon, sa araw na ito, tayo ay inaanyayahan na bumalik kay Hesus para matanggap natin ang ganap na kapatawaran sa ating mga kasalanan at para maibalik ang ating relasyun sa Diyos. Ang Diyos ay tumanggap ng sakripisyo ng pagpapasakit ni Hesus sa krus para kabayaran sa lahat ng ating mga nagawang kasalanan.

Samakatuwid inaanyayahan tayo ng Diyos na tayo’y malayang makakalapit sa kanya at maging isang anak sa pamamagitan ng paniniwalang si Hesus ang ating personal na Panginoon at taga-pagligtas. Sinabi mismo ni Hesus sa aklat ng Juan kabanata 14 taludtod 6 na Siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, at walang sinomang makakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan Niya.

Sa aklat ng Taga-Roma kabanata 10 taludtod 9-10 nagsasabi: “Kung ipahahayag ng iyong labi na si Hesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka. Sapagkat sa iyung puso na ikaw ay naniniwala at napawalang sala, at sa iyung mga bibig ika’y umamin at sa iyung pananampalataya ikaw ay naliligtas.”